Cell Phones

Noong unang panahon wala akong cellphone. OK rin naman sa akin
parang bale wala lang naman kahit wala ako ‘nun. Di ko pa kasi alam
kung anong gamit niyan noon. Naaalala ko na may binili si mama na
cell phone. Yung sing laki ng tatlong bareta ng sabon na
pinagtangkas tangkas. Ayaw niya sa akin ipagamit ‘yun. Eh, bata eh, anong
alam ng isang bata sa pag gamit ng cell phone?

Sa pagdaan ng panahon lumiit ng lumiit ang mga cell phones. Kumbaga
inversely proportional ang size ng cell phone sa presyo nito.
Andaming cell phone ngayon. Yung iba naman ninanakaw at binebenta sa mas murang presyo.

Cell Phone, bakit halos lahat ng tao gusto ng cell phone? May cell phone din
ako. Samsung Galaxy Y, naks ang gara. Ewan, hehe. Anung silbi nito?
Maganda tingnan tung cell phone ko.  Ika nga sa ingles sleek. At touch screen pa.

Ayokong  ipokrito kasi eh. Gusto ko rin naman ng maganda gandang cell phone.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit parang napapraning ang
mga tao kapag wala silang dalang cell phone o di kaya ay naka silent yung cell phone
ng taong tinatawagan nila.

Sabi nila time is gold daw kaya napakaimportante ng cell phone sa mga
panahon ngayon. Eh noon naman ok lang naman kahit walang cell phone.
Sabi nga ng ibang mga tao noon uso yung pa dedicate dedicate sa radio
para sa special someone nila with matching greetings pa. Yung iba
nag pepenpal. Gusto ko rin na may kapenpal noon eh kaso. Who needs
penpal when we have facebook right? Noon kapag manliligaw ka eh padadalhan
mo ng rosas, chocolates, at kung ano ano pa through telegram. Eh ngayon
pa eyeball eyeball na lang sa motel. Isang quickie ika nga.

Kapag nagtatravel ako lalung lalo na sa mga probinsiya ay iniiwan ko yung
cell phone ko sa bag ko (haha hint!). Ayaw ko kasing may dalang mababasa o
masisira sa daan kasi topakin ako eh. Minsan tatalon ako sa isang batis para
maligo o di kaya aakyat sa isang bukol ng lupa para makipagtopakan sa panginoon.
Para sa akin yung cell phone ay parang pampakinig lang ng sounds kapag
umeepal yung mga kasamahan mo o di kaya eh sobra sobrang bored ka na.
Yun lang ang silbi ng cell phone sa akin.

Sumulat ako dito ng tungkol sa cell phone. Ewan ko ba gusto ko lang sumulat.
Kinakausap ko yung mga tao sa isipan ko at pinaparinggan ko yung gusto kung sabihan
tungkol sa cell phone. Praktis kasi akong magsulat oh ano epektib ba?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s